Tag Archives: i7

Quadcore knockout sa core i7!

11 Dec

Quadcore knockout sa core i7!

Quadcore: and di mapigilang proccessor? pinakamabilis? pinakamaganda?. teka teka, ano nga ba ang processor? ayon sa internet ito raw ang kumokontrol at naguutos sa kompyuter kung ano ang gagawin. Ilan sa mga unang modelo nito ay ang pentium 4, pentium D, athlon, core duo at core 2 duo. Kaya kapag mabilis ang processor mo mas mabilis din na makatanggap ng utos ang kompyuter mo at mabilis niya itong magagawa. Ilang buwan pa lamang ang nakalilipas simula nang marinig ko kung gaano kabilis ang quad core at  mabili namin ang core 2 quad Q6600 na processor sa pc
dito sa bahay. Nakakapanghinayang dahil luma na agad ang quadcore ko.

HIndi pa ngtatagal ay may bago na namang processor ang gumagawa ng kaniyang pwesto sa pamilihang merkado ng mga kompyuters
na ang code name ay  Intel Core i7 Nehalem Processor. Sinasabi na ang i7 ay mas mabilis ng apatnapumung bahagdan(40%) kumpara sa core 2 quad at mas mabilis ng limampung porsyento (50) sa laban sa pinikamahal na core 2 duo. Hindi maikakaila ang bilis at kakayanan ng i7 base sa pagaaral. Bilang halimbawa, ang nabili kong core 2 quad q6600 na naglalaro noon sa halagang 10,000 at may bilis na 2.4 gigahertz ay napagiwanan na ng bagong i7 965  na pumapatak sa bilis na 3.5 Ghz. Talagang nakakapanghinayang kung iyong iisipin na ang pinagmamalaki mo dati ay buntot na lamang ngayon.

Napagiwanan na talaga ang quadcore. Ang bilis ng teknolohiya ay hindi mo na mapipigilan, para itong stroke na hindi mo namamalayan ay malaki na pala ang epekto. Ang akala mong malakas mong katawan kinabukasan ay isa nang luma at mahinang gulay.  Kaya nararapat lamang na pagisipan natin ng mabuti ang mga bagay na ating bibilin. Ito ang ilan sa mga tanong na dapat nating sagutin bago bumili ng i7 o ng kung ano mang parte ng pc:

1. Sapat ba ang bilis nito para masustentuhan ang aking pangangailangan?
2. ilang gigahertz ba?
3. Supported ba ng Motherboard ko?
4.Anong mga programs ang iinstall ko?
5.Ano mga specs o features?
6. kaya kaya ng power supply ko? baka magoverload?
7.kaya ko ba itong bilihin?
8.sulit ba ito para sa skul, bisnes o bahay lang?
9. ito ba ang pinakamaganda na brand?
10. may warranty ba?

yan dapat ang mga tanong na ating pagaralan at dapat ikunsulta sa mga taong teknikal o may ideya sa mga kumpyuters upang hindi lamang tayo magenjoy sa bilis at ganda ng pc maging sa sulit ng ibinayad natin )

Advertisements