Monopolyo ng mga sindikato

22 Mar

Two down! Dalawa na ang Graduate sa Pamilya namin. Last February lang, bumalik na naman kami sa PICC at umupo sa taas. Di gaya nung October, mas kokonti ang tao, kasama na namin si Dadi, alam ko na ang pasikot sikot ng PICC at panganay namin ang gragraduate. Pero isa sa aking naging misyon sa araw na iyon ay idokumento ang mga sindikato slash negosyantes na gumagala at naghihintay ng mga Benildeans.

picc manila events monopoly sindikato benta money

“Monopolyo: ito ay isang sitwasyon ng Ekonomiya na ang iisang indibidwal o grupo ang may kontrol sa isang produkto o serbisyo. Para maging epektibo ito, wala dapat itong kalaban at wala silang malaking kakumpetisyon. Sa pamamagitan rin nito, nakokontol nila ang presyo na anu mang gusto nila” -Enkarta

Ang kanilang Modus Operandi ay salubungin ka  bago kayo dumating sa PICC, alukin ka ng Photo coverage, drinks, assistance at bulaklak na tila ba sila ang Organizers ng  graduation. Walang ka bang invitation para makapasok? Wag magaalala dahil sa dalawang daang piso ay si tatang na ang bahala dyan.  Syempre, sa pagmamadali mo at galing nilang mag-salestalk, mapapabili ka sa kanila kahit hindi mo naman pala kailangan.

Hindi ko sinasabing mga kriminal sila. Natuklasan lamang nila unang step sa Marketing, ang “Need Recognition”. Nabanggit nga sa commercial para sa wild animals, “If the buying stops, the killing can too”. Kung walang bumibili, wala ring magbebenta. Pero kung wala namang magbebenta, wala ring mabibilihan.  Ano ba talaga ang sagot sa problema? Wag nang tumanggap ng Diploma?

Eeeengk. Minsan ka lang magmartsa ng paisa-isang hakbang. Siguraduhin mo na handa ka sa araw na iyon. Wag mo itong sirain sa mga bagay na maaari namang pagplanuhan ng mas maaga.

One Response to “Monopolyo ng mga sindikato”

Trackbacks/Pingbacks

  1. Jenny from Taft – we will miss you! « Response that redirect - June 4, 2010

    […] Mga sindikato sa PICC? […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: