The answer to the call. (My Operation Blessing Experience)

30 Sep

Photos

“The best part of volunteering for Operation Blessing was knowing that through your life, God is answering other people’s prayer”

This has been my testimony after almost 9 hours of volunteering at the Operation Blessing.

In line with inspiring the youth to live for Christ and to offer the prime years of their lives in service to GOD and COUNTRY(KKB mission), i made this blog to share my experience.

Travel and Registration.

Time check: 7:58 Am. Ang habaaaa ng pila sa La Salle for volunteers kanina, wala na kasi pasok until Saturday and maybe wala na sila magawa sa bahay. Thank God kasi even 12 midnight na ako nakagready ng gamit at nakapagprepare spiritually, nagising pa rin ako knina ng 7 am with out headache. Well after buying rice and cans of sardines, Robert, Robin, Daniel and I rode a taxi from Starbucks Lorenzo to Operation Blessings head quarters at Makati. It costed us 105 pesos (i mean 5 pesos for my pocket.)

Pagpasok namin sa Bldg 8, La Fuerza Compound ay nagregister na kami sa Information desk ng forms and suddenly someone pulled my bag and heard a voice saying “Uy! akala ko kung sinong may suot ng “I stand-I win-I conquer baller.” kayo pala yan!”. That was Ate Aai, KKB from Philippine Christian University with a friend sitting sa donations booth. In charge sila sa logistics ng mga nagdodonate. I handed them my donations and let me fill out some forms (PCU) Hindi pa rin namin alam kung sa Cleaning, feeding, relief operation, medical mission. repacking o kung saang department kami so we finished the forms while leaving them blank.

Disbanded. Super Robin to the rescue.

While waiting for instructions and breakfast claim stubs in hand, may lumapit sa room na pinaghihintayan namin asking “Sino po isa ang pwedeng sumama sa V-mapa for feeding program?” Napatingin ako kay Robert and Daniel. Gusto gusto ko magabot ng Relief goods sa communities katulad sa commercial ng Red Cross kaso di namin alam kung pwede na kaming ideploy and if ever magkakahiwalay daw kami? Awww. So biglang nagtanong si Robert at nagtanong kung hanggang oras daw ba yon. “Diba po kapag volunteer anytime and anywhere dapat ready?” paliwanag ni ate na naka OB red uniform. So para matigil ang tinginan isang superhero ang tumayo, lumakas ang hangin at ito ay nagtaas ng kamay. Si Robin Ribon! nagvolunteer, nag-out sa volunteers form at in a snap ay agad naglaho sa aming kalagitnaan. Isang Robert naman ang pumalit, friend ni Robin also from DLSU. Buo pa rin ang F4😀

We are one body.

Ang katawan hindi naman puro mata, puro tenga o puro ilong. Di ba may balance at different tasks? Yan ang natutunan namin kay Kuya ____ Bossing (Nakalimutan ko name nya), na kahit gusto mo na don sa field magvolunteer just live everybody. Ano ang ipamimigay nila kung wala namang nagrerepack diba? We should work like a body with different organs. Work simultaneously. Ewan ko kung pampalubag-loob lang yon sa mga gagawin namin pero it really made me think. Yes, maybe we just have to think less of our self satisfaction and just consider the need of our brethren. So after briefing, go na kaming F4 for inventory of clothes with Ate Aai and Ate Tinay.

Multi-tasking o department hopping?.

Yup. Sa inventory deparment kami at Number 11 na ang tag ng plastics. Ibig sabihin, pang 11th boxes na yon ng donors na kailangang ienventory. After non, wala na namang masyadong dumarating kaya hinila ko si Robert papunta sa labas ng room. Madaming nakapark na kotse at napapasok kami sa gilid ng building. “Now this is what i call relief operation challenge” nasabi ko sa sarili ko after seeing those volunteers na nagloload ng sacks sa track, nagtitimba ng bigas sa plastics, nagtatabo ng monggo at nag sisilid ng mga dilis at marami pang iba sa katabing ware house. Sayang di ko pa itinakas ang DSLR ni kuya pat. Sabi kasi nya kanina bago ako umalis ay gagamitin daw niya kaya di ko na pinilit. Agad naman kaming dumiretso sa mga Rice mountain slash pool (sa bigas na pinagsama sama sa ibabaw ng tolda) at nalaman namin na hanggang sa ilalim ng tape ng timba lang pala dapat punuiin ng timba bago itali. Sagot pa ng isang Scholar-volunteer, “Bali apat na kilo isang plastic”. Napunta kami ngayon sa repacking department at hindi na namin naalala na sa Inventory nga pala kami. Tapos ay sinubukan din namin magrepack ng dilis na ang kati pala at ang lansa pala sa kamay. Nung kami naman ang nagdagdag ng mga mantika sa plasitc para makumpleto na, nalaman ko na sobra dami pala ng mga nilagay namin na dilis. Good for 3 families na pala yon, anyway nandon na naman yon. Nagpabilisan kami ng limang higschool girl volunteers at syempre ako ang nanalo sa kanila na maglagay ng 8 plastics sa isang sako. Ang bigat na pala agad non, kinarga kasi namin sa Truck. Nalaman ko rin na takas pala ang mga batang yon. Hindi sa Preso kungdi sa kusina, ayaw daw kasi nila magluto at maghugas ng pinggan kaya doon sila tumakbo. Naalala ko sina Kuya Zy ng KKB PUP ang nagserve samin ng Lunch, dun sila napunta sa Food department, We are one body talaga buti wala kaming permanent department.

Because we care.

Yan ang tagline ng Operation blessing sa logo nila. Nakasalubong ko ang isang Pastora at sumisigaw sa kausap sa telepono tungkol sa napalitang destinasyon ng pagdadalhan ng relief goods. Napakarami nga naman ngayon ng advocacies and Non Government Organizations na tumutulong lalo na sa ganitong mga kalamidad. Dapat lamang na magkaroon ng koordinasyon para mabigyan ng prioridad ang mga mas nangangailangan ng agarang tulong. Isa sa mga kagandahan sa pagvolunteer sa isang Christian organization na tumutulong sa mga mahihirap through feeding programs, literacy, medical missions, cleaning projects, counseling at ang trademark nila na evangelism o gospel sharing. Maging ang medical handbooks for medical volunteers nila ay may spiritual application sa buhay ng tao. Ngunit isang pagsubok pa rin ang mag counsel sa isang taong putikan na umiiyak, wala nang tirahan at namatayan ng kamaganak. Dahil na rin wala ka sa kalagayan nilang lugmok sa kalungkutan. Pero that should not be a reason para hindi mo sila sharean ng Gospel, sabihin sa kanila that God is good at all times, that He has a plan for them and that it is He who can bring them back the love, joy, peace and gladness inspite of the floods of tribulations. Wherever you are, Share the word!

Packages: Pangkabuhayan Showcase, Living room showcase, etc.

Syempre hindi ganon kabongga ang mga pinamimigay namin. Basic needs kasi yung kailangan talaga nila as of now. Kaso mas gusto kong magrepack ng mga goods sa plastic kesa isort ang mga damit by SIze, style, color, person to use and donor. Katulad lang yon ng ginagawa namin sa family business namin na Balut kaya nga nangapitbahay kami ng Deparment. Eto ang laman ng isang Operation Blessing plastic:

4 kilos of rice

(10) sachets of instant coffee.

Cooking oil.

A pack of Dilis.

Tasty bread

Bawat laman niyan ay may sarili ding testimony. I met an alumnus of CSB (ProdMan) and

she was sharing their experience nung binili nila yung sacks ng munggo and dilis. It was by God’s grace na nakabili sila at the last minute, nagdonate ng dalawang sako at nasharan ng gospel yung owner.🙂 nakakatuwa naman.

Monggo fans club!

Oo! may fans club kami! ang tagal ng ng picture namin iupload sa facebook ni Mr Journalist from Ust na friend ni Benildean school teacher na kasama naming nagrepack ng 150 kilos na green monggos. Bumili ako sa NFA warehouse ng tinapay at tinanong ko si ate kung ano palaman. “Monggo na naman?” tawa kami ng tawa ni Robert habang nagtatanong sya kung may mineral water daw ba.By the way, open kami for members, sali kayo ah!

Need for Rice: Taguig Drift

Pagewang gewang sa likod ng multicab service ng OB, mga taong humabol ang itim ng mata at kung minsan ay binabasa pa ang nakasulat na “Operation-Blessing” sa gilid ng sasakyan. Yan ang “Need for Rice: Taguig Drift” road trip namin ni Robert. Nagtanong si Manong ng dalawang sasama sa cab para pumickup ni bigas sa Taguig kasi madedelay ang repacking kapag walang dumating na bigas. Tumayo naman kami at ngayon pagbalik namin sa Inventory Department ay tila inis sa pagkawala namin na itinuro ni Bossing ang mga dapat naming bilangin. Naku, dapat by 20 minutes magpakita na kami kay Casper the friendly driver ng multi cab. Kaya nagNitro na kami ni Robert para umabot sa oras. Noodles with hard-boiled egg merienda muna. Hindi pa tapos bilangin ang mga damit at tinawag na kami ni Kuya Casper, Napalingon si Bossing (Naku lagot kami ni Robert) at kinausap ang Information desk na wag muna kumuha ng volunteers mula sa inventory kasi wala pang papalit. Nagtago kami ni Robert sa hiya at sumalta sa multi cab. Hindi halata na ngayon lang nadala ni Casper ang multi cab. Ang bilis bilis kasi niya magpatakbo, akala mo hinahabol ng panibagong bagyo. Ilang beses din kaming nagpaikot ikot sa Taguig at atlast natagpuan din ang tamang warehouse ng NFA at nagkarga na 20ng kaban ng bigas. 200 sacks pa raw ang kukunin. Matapos namin ibaba ang mga bigas at ilatag ay ayaw na namin sumakay ni Robert sa multi cab. Ang hirap pala sa pag-pick up ng bigas. X_X

Tokwa’t baboy.

Busog na naman ako sa 98 pesos worth na dinner sa Sinangag express. Ang sarap ng sundae nila na 10 pesos, mura pa. Ako nagbayad ng Chosilog, extra rice at tokwat baboy ko at dinagdagan lang ni Robin 100 ko para sa icecream. Mas mapaparami sana ang kain namin kung hindi na kami nagbus from makati to Buendia. Medyo mahaba na rin ang nalakad namin nina Robin Ribon na nakasama na namin matapos ang feeding programs, counseling at distribution sa V-mapa. Extreme experience sana yon mula Walter Mart Makati papunta sa Sinangan Express Vito Cruz.” Opo mama, pauwi na po ako nagdinner lang kami saglit” i instantly answered my mom’s call just i responded to Robin’s invitation kahapon sa Facebook link post nya sa volunteering sa OB.

Right now siguro naghahakot pa sina Bossing sa warehouse ng rice, nakauwi na ang classmate ni Robin from distribution sa Marikina at may mga volunteers na nagrerepack ng bugas at delata. Madami pang Pilipino ang nanalangin at naghihintay sayo. Marami pa rin ang nakakabasa nito at hindi pa rin nagdedecide na pumunta sa relief operations para tumulong o magvolunteer.

Ang Bagyong Ondoy ay talagang malaking dagok sa sambayanang Pilipino. Madami sa hindi mo inaakala ang gumugulat sayo, kagaya nang pagcancel ng Jesus is Lord Church ng 31st Anniversary Celebration sa Luneta Grandstand na ilang buwan nang pinaghahandaan. Nangyari na ang mga naibalita sa Tv, kahit kamutin mo pa ng kamutin ang mata mo at kumurap ng napakatagal ay hindi na natin ito maitatanggi ang delubyo na dumating

Ang huling tanong na lamang kay Juan Dela Cruz ay tatango ka ba para harapin at ipagpatuloy ang hamon ng buhay?

That so far has been my “Operation Blessing experience” and my answer to the call for volunteers. Yes you can also make your own blog and volunteer. Go out there and put those words into actions!

I’ll add some pics soon🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: